Ang fluoride ay isang mineral na matatagpuan sa kalikasan na magagamit para protektahan ang enamel ng ngipin sa pamamagitan ng paghalo sa mga mineral sa ating mga ngipin para makabuo ng enamel na mas matibay at mas hindi tinatablan ng acid. Ang fluoride ay ginagamit sa dalawang paraan – ipinapasok sa katawan (systemic) at ipinapahid (topical).
Sa kabilang mga benepisyo ng fluoride, ang labis na pagkakalantad sa mineral bilang sanggol at bata ay maaaring magresulta sa fluorosis, na nagbabago sa hitsura ng mga ngipin, kasama na ang pagkakaroon ng mga puting spot sa mga ngipin at/o batik-batik na mga ngipin.
Mga sintomas ng fluorosis
Sa pangkalahatan, makinis, glossy at creamy white ang hitsura ng mga ngipin. Magkakaiba ang pagiging malala ng fluorosis, mula sa banayad hanggang sa malala, pero kasama sa mga sintomas ng karaniwang fluorosis ang:
Paggamot sa fluorosis
Sa mga hindi malalang kaso ng fluorosis, hindi kailangan ng paggamot. Gayunpaman, sa mga mas malalang kaso, may ilang opsyon sa paggamot sa fluorosis na nakatuon sa pagpapaganda sa hitsura ng mga apektadong ngipin. Kasama sa mga opsyon sa paggamot sa fluorosis ang:
Paano maiiwasan ang fluorosis
Ikonsulta sa iyong doktor o dentista kung gaano karaming fluoride ang nasa iyong pampublikong supply ng tubig. Ang pag-unawa kung gaano karaming fluoride ang nai-ingest ng iyong anak sa inuming tubig, mga soft drink at fruit juice ay makakatulong sa iyo at sa iyong dentista na magpasya kung kakailanganin ba ng fluoride supplement.
Maaaring magdulot ng pagduduwal, pagtatae at pananakit ng tiyan ang maraming fluoride kapag na-ingest ng isang bata, kaya palaging itabi sa ang mga produktong may fluoride tulad ng toothpaste at mouthwash.