Nagsisimula ang mabisang kasanayan sa kalinisan ng ngipin at bibig sa ilang simpleng hakbang:
Isang Wastong Diskarte sa Pagsisipilyo para sa iyong Mga NgipinAng wastong diskarte sa pagsisipilyo ang unang hakbang sa pagpapanatili ng malulusog na ngipin at gilagid. Nakakatulong din itong bawasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng bulok na ngipin at sakit sa gilagid, ang mga pangunahing dahilan ng pagkawala ng ngipin.
Bago Ka MagsimulaBagama’t mayroong ilang diskarte sa pagsisipilyo ng ngipin gamit ang manu-manong sipilyo, palaging magtanong sa iyong dental professional para sa kanilang rekomendasyon at tiyaking sundin ang kanilang mga tagubilin. Para magsimula, gumamit ng fluoride toothpaste sa isang sipilyong malambot ang bristle, at huwag itong kalimutang palitan bawat tatlong buwan.
Dalawang Minuto, Dalawang Beses Bawat ArawPara masipilyo nang tama ang iyong mga ngipin, maglaan nang hindi baba sa dalawang minuto gamit ang inirekomendang diskarte sa pagsisipilyo, na kinabibilangan ng 30 segundong pagsisipilyo sa bawat seksyon ng iyong bibig (kabang bahagi sa itaas, kaliwang bahagi sa itaas, kabang bahagi sa ibaba at kaliwang bahagi sa ibaba), sa umaga at gabi. Dahil walang built-in na dalawang minutong timer ang karamihan sa manu-manong sipilyo, maaari kang gumamit ng orasan para makatiyak kang sapat ang tagal ng pagsisipilyo mo.
Pagpoposisyon sa SipilyoAng paraan ng paghawak mo sa sipilyo ay nakadepende sa bahagi ng ngipin na sinisipilyo mo.
Ngayong natutunan mo na ang wastong diskarte sa pagsisipilyo, makakatulong ang kaunting disiplina sa pagsasagawa nito araw-araw para makasanayan mo ito. Isa ito sa pinakamadaling bagay na magagawa mo para mapanatili ang kalusugan ng iyong mga ngipin at gilagid.
Diskarte sa Wastong Pagfo-floss
Ang diskarte sa wastong pagsisipilyo at pagfo-floss bilang bahagi ng iyong pang-araw-araw na kasanayan sa pangangalaga sa ngipin at bibig ang pinakamahalang bahagi sa laban para mapanatiling walang plaque ang mga ngipin mo – at pagprotekta sa iyong mga ngipin at gilagid nang habambuhay.