Paano Magsipilyo Gamit ang Electric na Sipilyo - How to Brush with an Electric Toothbrush - Tagalog
Makakamit mo ang mas maayos na pagtatanggal ng plaque at pagbawas sa gingivitis gamit ang isang electric na sipilyo na gumagamit ng teknolohiyang oscillating-rotating kaysa sa regular na manu-manong sipilyo.
Talagang naiiba ang pagkilos sa pagsisipilyong ito mula sa mga ordinaryong manu-manong sipilyo, dahil ito na ang gumagawa ng pagsisipilyo para sa iyo. Tiyaking gabayan ang ulo ng sipilyo sa lahat ng bahagi ng iyong bibig.
Step 1
Step 2
Step 3
Mga Tagubilin sa Nagro-rotate na Electric na Sipilyo
Hakbang 1: Hawakan ang sipilyo nang nakahanay sa sahig, nasa gilid ng iyong mga ngipin.
Hakbang 2: Dahan-dahang gabayan ang ulo ng sipilyo sa bawat ngipin, sundan ang kurbada ng mga ngipin at gilagid. Hindi kinakailangang madiin ang pagpindot o pagkuskos. Hayaan lang ang electric na sipilyo na gawin ang lahat ng trabaho. Itutok ang ulo ng sipilyo sa isang lugar sa loob ng ilang segundo bago lumipat sa susunod na ngipin.
Hakbang 3: Huwag kalimutang abutin ang lahat ng lugar, kasama na ang mga loob, labas, surface para sa pagnguya, at sa likod ng iyong mga bagang.
Sumangguni sa mga tagubilin sa pagsisipilyo na ibinigay kasama ng iyong electric na sipilyo para sa karagdagang impormasyon.
Tandaan, mayroon kang “kapangyarihang” panatilihing walang plaque ang iyong mga ngipin hangga’t maaari sa bahay, nakakatulong na protektahan ang iyong mga ngipin at gilagid nang habambuhay.
SHARE