Pagpapaputi ng Mga Ngipin - Teeth Whitening - Tagalog
Milyun-milyong taga-America ang may marumi at nagmantsang mga ngipin, at gusto nilang paputiin at gawing maaliwalas ang kanilang ngiti. Kapag tinatanong ng mga dental professional ang mga tao kung ano ang pinakahigit na gusto nilang maayos sa kanilang pagngiti, ang pinakakaraniwang tugon ay mas mapuputing ngipin.
Ang pag-unawa sa pagpapaputi ng mga ngipin ay nagsisimula sa pag-unawa sa pagkamantsa ng ngipin. May dalawang pangunahing uri ng mantsa na nakakaapekto sa iyong mga ngipin, at sa iyong pagngiti!
Ang mga panlabas na mantsa ay nasa surface ng ngipin. Kabilang sa mga sanhi ng mga ito ang:
- Mga tabakong produkto
- Mga pagkain at inuming gaya ng mga berry, kape, tsaa, at red wine
- Tartar (na namumuo kapag nananatili sa mga ngipin ang plaque)
Extrinsic Stain
Ang mga panloob na mantsa ay nasa ilalim ng surface at mahirap alisin. Ang mga mantsang ito ay nagiging bahagi ng ngipin at maaaring sanhi ng:
- Pagtanda
- Labis na paggamit ng fluoride
- Ilang partikular na gamot na ininom habang tumutubo ang ngipin
- Trauma
Intrinsic Stain
Paano magkakaroon ng Mas Mapuputing Ngipin gamit ang Mga Produktong Pampaputi ng Mga Ngipin
Tulad ng may iba’t ibang dahilan ng pagdumi at pagmamantsa ng ngipin, mayroon ding iba’t ibang solusyon para rito.
Kabilang sa mga opsyon para sa mga produktong pampaputi ng mga ngipin ang mga toothpaste na pampaputi na nagtataglay ng mga banayad na abrasive na kumukuskos sa mga ngipin para alisin ang mga mantsa sa surface at mas paputiin ang mga ito. Ang ilang toothpaste ay nagtataglay din ng peroxide o mga phosphate para tumulong sa pag-alis at pagpigil ng mantsa. Magmumog gamit ang pampaputing mouthwash na nagdudulot ng banayad ng pagbula para ligtas na magprotekta laban sa mga pagmamantsa sa hinaharap at nagagawa nito sumuot sa mga bahagi ng bibig na mahirap maabot. Ang mga bleaching kit para sa bahay ay gumagamit ng mga strip o pampaputing gel na may mga tray at aktwal nitong pinapaputi ang enamel ng ngipin. Karaniwang kinakailangan para sa bleaching sa opisina ang isang beses na pagpunta sa tanggapan ng dentista kung saan gagawin ang paglalagay ng bleach sa mga ngipin – maaaring pahusayin ang pamamaraang ito sa pamamagitan ng paggamit ng espesyal na ilaw o laser.
Pagpapaputi ng Mga Ngipin
Bleaching sa Tahanan
Bleaching sa Tahanan
Bleaching sa Opisina
Ang mga pamamaraan sa pagpapaputi ng mga ngipin ay maaaring hindi tumalab sa lahat ng uri ng pagmamantsa ng ngipin at hindi nito mapapaputi ang mga crown, pasta, o mga bonded na ngipin. Maaaring makaranas ka ng ilang pangingilo kapag gumagamit ng mga pampaputi ngunit karaniwang pansamantala lang ito. Kung may anumang isyu ka kapag nagpapaputi ng iyong mga ngipin, kumonsulta sa iyong dental professional. Bukod sa pagpigil ng pagkakaroon ng mga bagong mantsa, naaalis din ang mga mantsa sa surface dahil sa mga regular na paglilinis dito ng isang dental professional. Maaalis mo rin ang mga mantsa at mapapaputi ang mga ngipin sa pamamagitan ng propesyonal na paggamot para sa pagpapaputi na ginagawa sa tanggapan ng iyong dentista.
SHARE